Halos mapasaakin kana

Magkababata kami ni Jessica at magkaibigan din ang aming mga magulang. Kaya naman, kilalang-kilala na namin ang isa't-isa at magkasundo sa mga bagay-bagay. Magkaklase rin kami nung elementary hanggang sa hayskul. Minsan nga, nagpagkakamalan nilang kami. At hindi ko maipagkakaila na may nararamdaman na nga ako kay Jessica. Maganda siya, matalino at higit sa lahat ay simpleng babae. Dati rati pag naglalaro kami ng volleyball, linalakasan ko mga tira ko para masakit pag dumapo sakanya ang bola ganun din ang ginagawa niya sakin sabay tawanan kami. Pag naglalaro kami ng video games lagi siyang kumakandong sakin tapos pupunta sa may likod ko sabay sabunot tas magtatawanan nanaman kami. Parang kapatid ko na siya at walang malisya lahat pag nagpapakandong siya, sumasakay sa likod ko at iba pa. Hanggang sa dumating yung araw na naging conscious ako. Pag naglalaro kami ng volleyball, diko na linalakasan dahil ayaw ko siyang masaktan naninibago nga siya sakin. Pag sumasakay siya sa balikat ko, tinatanggal ko agad ganun. Kung sakanya walang malisya, sakin meron. Kaya naman naglakas ako ng loob na aminin sakanya. At ang nangyari, lumayo siya sa akin. Madaming nagbago tuwing makakasalubong ko siya umiiwas siya hindi na kami gaya ng dati. Alam kong aabot sa punto na ganito. Pero diko napigilan ang naramdaman ko. Kinausap ko si dad na lumipat nalang ako ng paaralan. Tinanung niya ang aking dahilan kong bakit at diko 'yon nasagot. Ang sabi ko nalamang ay "gusto ko lang po ng bagong environment" at napapayag ko naman si dad.

Lumipas ang ilang buwan, wala na akong balita pa kay Jessica. Sa bago kong nilipatan na iskwelahan ay masaya naman kahit papaano. Namimiss ko parin siya yung mga oras na naglalaro kami kung paano kami magbangayan. 
Pagkatapos ng klase ay umuwi na ako kaagad. At laking gulat ko na nadatnan ko si Jessica sa bahay kausap niya si mom. Pumasok ako sa bahay sabay halik kay mom at didiretso na sana ako sa kuwarto dahil umiiwas ako kay Jessica. Oo, gusto ko parin siya. Ng biglang hinawakan niya ang aking braso at pinigilan niya ako sa paglalakad papuntang kuwarto sabay sabing "Tristan, usap naman tayo".
"Ano pag-uusapan natin? Wala naman a" sagot ko at nagbadyang tumuloy na sa paglalakad pero pinigilan niya parin ako. 
"Tristan, please may sasabihin ako" tugon niya ulit. At ng pagtingin ko sakanya, paiyak na siya kaya naman pumayag nako.  Nagbihis ako at lumabas kami.
"Ano ang iyong sasabihin?" Tanong ko.
"Tristan, gusto na rin kita" naka yuko siya ayaw niyang tumingin sa akin. At ako naman, nagulat. "Aaminin kong namiss kita at nalungkot ako noong nabalitaan kong lumipat ka ng paaralan. Noong panahong wala ka, napagtanto ko na gusto na rin pala kita" umiiyak siya habang sinasabi ang mga katagang yun kaya naman, bigla ko siyang niyakap at pinatahan. "Sorry Jessica wag kana umiyak. Namiss din kita" sabay halik sa noo.
Ilang buwan ko rin siya linigawan. At pagkatapos ng ilang buwan ay sa wakas, naging kami na.

Lumipas ang isang taon nagdedesisyon kami kung anong kurso ang kukunin namin. Syempre, parehas kami ng iskwelahan. Tinanong niya ako kung bakit Obstetrician gynecologist ang gusto ko. Sabi ko naman "syempre gusto ko lagi makakita ng vagina pag nasa work ako hahahahaha" minura niya ako sabay suntok ng mahina sa may dib-dib ko at natatawa. Pero sinabi ko naman ang tunay na rason dahil yun ang gusto ng mom ko.

Nagplaplano na kami kung saan namin gusto magpakasal, saan kami titira at kung ilan magiging anak namin.

Lumipas ang ilang taon, nakapasa ako sa board exam at naging lisensyadong doctor ako. At andun ako sa isang kuwarto na sinasabihan siya ng tulak at magiging mabuti rin ang lahat. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya noon pero ang ganda niya parin sa paningin ko kahit pawis na pawis na siya at luhang luha kaka-ire. Pagkatapos ng ilang oras ng labor, ito ako, hawak hawak ko ang isang batang anghel na kamukhang kamukha niya. Agad agad akong nag imagine ng magiging future namin kasama siya, kung saan siya pag-aaralin, kung saan siya ipapasyal.
Hanggang isang katotohanan ang pumutol sa aking imahinasyon. "Doc, babae po ba o lalaki ang anak ko?" Tinanong  ako ng asawa niya. Oo nga pala. Hindi nga pala ako yung ama. Hindi nga pala ako yung pinakasalan niya. "Babae po, congrats" at ngumiti ako ng pilit para itago ang lungkot at sakit na aking nararamdaman. Pagkatapos nun, bumulong siya kay Jessica "babae siya babe. Mahal na mahal ko kayong dalawa" mangiyak iyak ang asawa niya sabay halik sa noo niya. Alam ko sa mga oras na 'yon na mahal na mahal niya si Jessica.


At doon ko narealize na masakit man, gumawa naman ako ng tamang decision na bitawan ko siya kasi napunta siya sa mas better at deserving na tao.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

“Wikang Filipino, Wikang Mapagbago

Balik Loob