Balik Loob


Pansin ko lang. Bakit kapag may guwapong nagiging beki, ang linya ng mga tao,“Ay! sayang”. Kapag may magandang nagiging tomboy ang linya rin nila, “Ay sayang”.
Si Patrick ay isang bakla. Noon. Ladlad na bakla, kontesera,longheradang bakla, proud liwayway! Since birth, babae na talaga ang puso niya mula pagka-bata, ang gustong-gusto niyang linalaro ay Barbie. Berde ang nananalaytay sa kanyang dugo sa katawan at aware naman siya doon. Mahilig siya sa mga bistida, mga pambabaeng mga bagay at syempre mga lalake.
Highschool palang sumasali na siya sa mga gay pageant, hanggang college at hanggang ngayon. Supportive naman ang kanyang parents sa pagiging bakla niya at siya ay masaya na tanggap ng kaniyang pamilya sa pagka-bakla niya. Hindi niya naranasang saktan siya ng kanyang ama gaya ng mga ibang tatay ng bakla. Sa totoo lang, mas babae pa siyang kumilos at mag-ayos kesa sa mga kaklase niyang babae at nangunguna sa pagmamatyag sa mga lalaki. Alam niya sa sarili niya na babae siya by heart.
Simula noong kinder pa siya, babae na ang mga nakakasama niya pati mga beki rin. Sanay na siyang babae ang kanyang nakakasama at nakakahalubilo pero nagbago ang lahat ng iyon nung makilala niya si Ana. Kablock na niya si Ana simula nung First year. Maganda talaga si Ana madaming nagkakagusto sakanya talagang mapapalingon ka talaga sa kagandahan niya. First day palang ay napansin na ito ni Patrick at sabi niya sa saili niya, “Ang ganda naman ng nilalang na to parang Barbie lakas makasira ng mood ha”, hanggang sa naging magkaibigan sila. Halos lahat naman ng mga kaklase niyang babae sa classroom nila ay kaclose ni Patrick pero mas close at bestfriend niya si Ana.
Marami siyang mga kaibigan na babae na magaganda pero kakaiba at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya pag kasama niya si Ana. Kinikilig siya pag nakakausap niya, nauutal kapag tinititigan niya, pinagpapawisan ng malamig at ang masaklap, tumitigas si Junjun kapag iniisip niya si Ana pag gabi. Alam niyang mali ang kanyang nararamdaman at hindi niya matanggap sa kanyang sarili ang nangyayare na tila ba nadidiri siya kasi nagkakagusto na siya sa bestfriend niyang babae at nafall na. Kaya nama’y linayuan niya si Ana ang pakiramdam niya ay nababaliw lang siya at ayaw niyang mainlove sa lason. Tuluyan na ngang lumayo si Patrick para di na lumala pa ang kanyang nararamdaman sa kanyang matalik na kaibigan. Naghanap siya ng bagong mga kaibigan at ito ay hindi marangal sa side niya. Halos tatlong taon silang magbestfriend sobrang lapit nila sa isa’t-isa at komportable na sila. Minsan doon sa bahay nila Patrick siya natutulog at magkatabi pa sila nag lalagyan ng make up, nag-aayosan. Pero dahil sa nararamdaman niya at alam niyang nagugustuhan na niya si Ana ay lumayo siya na wala man lang sapat na dahilan na maibigay kay Ana.
Kinukulit ni Ana pero dinededma lang niya, chinachat, at linalapitan sa classroom upang tanungin kung ano ang porblema nila ni Patrick. Hindi alam ang gagawin ni Patrick dahil nasasaktan niya ang kanyang matalik na kaibigan sa ginagawa niya. Hanggang sa isang araw, pinuntahan ni Ana si Patrick sa kanilang bahay na umiiyak pero dinedma at pinagtabuyan ni Patrick. At biglang sabi ni Ana, “Ano bang problema mo Pat? Three years na tayong mag-bestfriend diko maintindihan bat moko iniiwasan at ginaganto. May ginawa ba akong kinagalit mo?” Hindi nakaimik si Patrick at naiinis sia sa sarili niya dahil sinasaktan niya si Ana. Pilit niyang pinaalis si Ana pero nagpumilit si Ana na ayosin ang kanilang problema at hindi masabi-sabi ni Patrick ang tunay na dahilan. Hanggang sa, nagsalita si Ana sabay sabing “Sige kung ayaw mo sabihin ang iyong tunay na dahilan, hindi na kita kukulitin. Maraming salamat sa tatlong taong pagkakaibigan Pat” aalis na sana si Ana pero biglang nagsalita si Patrick.
“K-kasi gusto na kita. Kasi mahal na kita. Alam kong mali. Alam kong impossible… pero yun ang nararamdaman ko. Kaya ako lumayo dahil ayaw kong lumala pa ito” Wala talagang intension na sabihin ni Patrick ang tunay na dahilan pero bigla niya itong nasabbi.
Natawa si Ana. Tawa nang tawa. Natatawa si Ana dahil hindi niya akalain na ang matalik na kaibigan na mas babae pang kumilos at mag-ayos sa mga babae ay magugustuhan siya. Matagal na rin gusto ni Ana si Patrick. At yun din ang dahilan kaya hindi pa siya nagkaka boyfriend kahit madami ang kanyang manliligaw dahil may lihim din siyang pagtingin kay Pat.
Tanggap ni Ana na mas babae kumilos si Pat. Ilang buwan din nag adjust si Pat at nakapag-isip isip na babae na ang kanyang jowa. Nararamdaman na rin ni Pat na hindi na siya masyadong naattract pa sa mga lalake.

Para kay Ana, nagbago si Patrick. Mula sa mahaba niyang buhok, ay nagpagupit na siya ng panlalaki, manamit ng panlalaki at kumilos ng panlalaki. Masayang masaya  si Patrick na nakatuluyan niya si Ana. Dun niya naramdaman ang tunay na pagmamahal na walang kapalit.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

“Wikang Filipino, Wikang Mapagbago

Halos mapasaakin kana