Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2017

“Wikang Filipino, Wikang Mapagbago

“Wikang Filipino, Wikang Mapagbago” Magandang hapon sa inyong lahat! Masasabi kong isang malaking karangalan na kayo ay aking makaharap sa hapong ito. Ngayong   araw na ito, ay ginugunita natin ang ating Wikang Pambansa.   Ito ang pinakamahalagang okasyon sa lahat ng paaralan at kaganapan na inaantabayan ng lahat ng level ng paaralan. Tuwing ginugunita natin ang Buwan ng Wika ay mapapansin niyong ito ay may kinatatampukan ng iba’t ibang   patimpalak gaya ng paggawa ng slogan, pagsusulat ng sanaysay, paglikha ng jingle, patimpalak gaya ng sabayang pagbigkas, pagtatalumpati at iba pa. Ito ay isang paraan upang   makita ang kahusayan natin sa ating wika, mahasa ang ating kakayanan,   ipakita ang ating pagpapahalaga sa ating wika   at ipagmalaki ang ating wika. Ang wika ay napakahalaga sa isang bansa, ito ay ginagamit natin upang maipahayag ang ating damdamin at ito ang dahilan para magkaintindihan tayo. Ang wika ay isa sa mga yaman na pinakaiingatan ng ...

Balik Loob

Pansin ko lang. Bakit kapag may guwapong nagiging beki, ang linya ng mga tao,“Ay! sayang”. Kapag may magandang nagiging tomboy ang linya rin nila, “Ay sayang”. Si Patrick ay isang bakla. Noon. Ladlad na bakla, kontesera,longheradang bakla, proud liwayway! Since birth, babae na talaga ang puso niya mula pagka-bata, ang gustong-gusto niyang linalaro ay Barbie. Berde ang nananalaytay sa kanyang dugo sa katawan at aware naman siya doon. Mahilig siya sa mga bistida, mga pambabaeng mga bagay at syempre mga lalake. Highschool palang sumasali na siya sa mga gay pageant, hanggang college at hanggang ngayon. Supportive naman ang kanyang parents sa pagiging bakla niya at siya ay masaya na tanggap ng kaniyang pamilya sa pagka-bakla niya. Hindi niya naranasang saktan siya ng kanyang ama gaya ng mga ibang tatay ng bakla. Sa totoo lang, mas babae pa siyang kumilos at mag-ayos kesa sa mga kaklase niyang babae at nangunguna sa pagmamatyag sa mga lalaki. Alam niya sa sarili niya na babae siya by ...

Halos mapasaakin kana

Magkababata kami ni Jessica at magkaibigan din ang aming mga magulang. Kaya naman, kilalang-kilala na namin ang isa't-isa at magkasundo sa mga bagay-bagay. Magkaklase rin kami nung elementary hanggang sa hayskul. Minsan nga, nagpagkakamalan nilang kami. At hindi ko maipagkakaila na may nararamdaman na nga ako kay Jessica. Maganda siya, matalino at higit sa lahat ay simpleng babae. Dati rati pag naglalaro kami ng volleyball, linalakasan ko mga tira ko para masakit pag dumapo sakanya ang bola ganun din ang ginagawa niya sakin sabay tawanan kami. Pag naglalaro kami ng video games lagi siyang kumakandong sakin tapos pupunta sa may likod ko sabay sabunot tas magtatawanan nanaman kami. Parang kapatid ko na siya at walang malisya lahat pag nagpapakandong siya, sumasakay sa likod ko at iba pa. Hanggang sa dumating yung araw na naging conscious ako. Pag naglalaro kami ng volleyball, diko na linalakasan dahil ayaw ko siyang masaktan naninibago nga siya sakin. Pag sumasakay siya sa balikat ...

Nahanap ko na

Zcsian Mae Lorenzo ang aking tunay na pangalan pero mas sanay akong tawagin na Zii dahil ito na ang aking nakagisnan na tawag saakin ng aking mga magulang at dahil mas madali raw bigkasin. Ako'y 20 taong gulang na at ilang buwan na lamang ay makakapagtapos na ako sa kolehiyo. Taga Maynila kami sa Caloocan. Isang simpleng babae lamang ako at isa rin sa mga magaling sa klase. Tuwing lalabas ang barkada, lagi nilang hawak ang kani-kanilang selpon na kung saan lagi nilang kateks ang kanilang mga kasintahan at ako naman, wala lang. Nakikipagkuwentohan na lamang sa kanila dahil wala naman akong kateks e. Minsan nga nagiging third wheel na ako pag lumalabas kami ng aking kaibigan kasama ang kanyang kasintahan. At kung may hindi sila pagkakaunawaan ng kanilang kasintahan, ako ang kanilang sandalan at tagapayo. Oo, saakin pa sila humingi ng payo na kung saan wala naman akong boyfriend. Ewan ko nga rin e, pero ang sabi nila, magaling daw ako mag advise na tila ba may naging jowa nako. Dahil...