Disadbentahe ng K-12
Ang programang K+12 ay nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo, hindi nagging mahirap ang pagpapatupad nito. Ito rin ay naglalayong tulungan ang ating sistema na pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo.
Dahil sa mga kadahilanang mga ito, hindi nahirapan ang pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon sa pagpapatupad nito. Bilang patunay, ang unang pangkat ng mag-aaral na magtatapos sa programang ito ay inaasahang magmamartsa sa darating na Marso taong 2018.
Bagamat ang implementasyon nito ay nasa kasalukuyan na, may mga problema pa ring kinakaharap ang ating pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon ukol sa pagpapatupad nito. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Dahil ito ay naglalayong madagdagan ng 2 taon sa hayskul, kakailanganin din ng bawat paaralan ng karagdagang mga silid,guro at aklat. Sa kasalukuyan, bagamat tapos na ang 4 na taon na inilaan ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangang nabanggit, marami pa ring mga kakulangan ditto.
1. Dahil ito ay naglalayong madagdagan ng 2 taon sa hayskul, kakailanganin din ng bawat paaralan ng karagdagang mga silid,guro at aklat. Sa kasalukuyan, bagamat tapos na ang 4 na taon na inilaan ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangang nabanggit, marami pa ring mga kakulangan ditto.
2. Dahil ang mga inaasahang magtatapos ng hayskul sa taong 2016 at 2017 ay mag-aaral ulit sa “senior high”, mawawalan ng mag aaral ang mga paaralan sa kolehiyo sa loob ng dalawang taon. Ibig sabihin, mapipilitan ang mga paaralan sa kolehiyo na magbawas muna ng mga guro sa mga panahong ito.
3. Bagamat may programa ang CHED o ang komisyon sa mas mataas na antas ng edukasyon, na naglalayong tugunan ang mga inaasahang epekto ng programa sa mga guro, limitado naman ang bilang ng mga guro na mabibigyan ng libreng pagpapaaral o “scholarship”. Bukod dito, bilyong halaga ng piso rin ang kakailanganing ilaan ng pamahalaan para sa programang ito.
4. Sa panahon na makakapagtapos ang isang mag-aaral sa senior high school, inaasahan na nasa 18-taong gulang na ito – ang legal na edad para makapagtrabaho. Ibig sabihin, nakahanda na para magtrabaho ang lahat ng makakapagtapos ng senior high school sa loob at labas ng bansa.
Pero inaasahan na mas magpapalaki ito ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa dahil sa hindi sapat ang nalilikhang trabaho ng gobyerno taun-taon. Sa datos ng Ibon Foundation, isang grupo ng mga mananaliksik, nasa 4.3 milyong Pilipino ang bilang ng unemployed at nasa 6.9 milyon ang underemployed noong 2014.
Sa ganitong balangkas na inaasahang tataas ang bilang ng walang trabaho, mas higit na makakapagdikta ang mga kapitalista o negosyante nang mas mababang sahod, wala o kulang na benepisyo, at sistemang kontraktuwal.
5. Ito rin ang nagtutulak sa mga Pilipino na mangibang bayan para roon makipagsapalaran. Mas gugustuhin ito ng isang gobyernong walang malikhang trabaho sa kanyang mga mamamayan dahil mas malaki ang kikitain nito sa porma ng mga remittances mula sa overseas Filipino workers (OFW) alinsunod sa labor export policy nito.
Ayon sa Ibon, mas marami ang inilabas na manggagawa (4,500) ang gobyerno kada araw kaysa sa naidaragdag nitong bilang na nagkatrabaho (2,800) kada araw sa bansa noong 2014.Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2014, umabot sa $26.924 Bilyon ang cash at non-cash remittances sa bansa mula sa $25.351 noong 2013.
6. Dahil din dito, lubhang mababawasan ang mga papasok ng kolehiyo na magbibigay ng dahilan sa gobyerno na bawasan ang pagpondo sa mga state universities and colleges (SUCs). Magdudulot ito ng mas mataas na matrikula sa kolehiyo sa parehong pribado at publikong unibersidad.
7. Pinaniniwalaan din na ang kurikulum na K to 12 ay higit pang dadagdagan ang mga asignaturang nakatuon sa pagbibigay ng makabayang identidad sa mga Pilipino para tanggapin ang mga dayuhang interes at programa. Aatakihin ng K-to-12 ang general education curriculum sa bansa .
Ayon kay Louie Zabala, guro ng social studies sa FG Calderon High School sa Tondo, Manila, kulang na kulang ang kaalaman ng mga mag-aaral pagdating sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Lubha itong nakakabahala dahil mahalaga ito sa isang tao na magkaroon ng identidad.
“Nakakalungkot kapag tinanong mo sa mga mag-aaral kung sino si (Andres) Bonifacio. Ang sagot nila’y siya daw ang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa Cavite. Sadyang kulang na kulang ang panahon para sa pagtuturo ng napakahalagang yugto ng kanilang pagka-Pilipino. Kaya naman mas nakakabahala pa kapag tatanggalin ng gobyerno maging ang mga asignaturang Wikang Filipino, Philippine Constitution and Government, at Philippine Literature sa kolehiyo
Kung kaya't ang aking opinyon, bakit pa tayo susugal sa dalawang dagdag na taon kung puwede naman nating dagdagan at paunlarin pang lalo ang kaledad ng apat na taon? Ang pondo na gagamitin sa bagong sistema ay bakit hindi nalang gamitin sa pagbili ng mga kagamitan at pagpapatayo ng mga imprastraktura lalong lalo na sa mga lugar sa probinsya na kulang na kulang pa rin sa mga ganito? Ang pondong ito ay maaaring gamitin sa nga pagsasanay para sa mga guro upang mas maging kapaki-pakinabang pa sila at upang malinang pa ang kanilang mga kakayahan sa pagtuturo. Kapag mayroong sapat na pasilidad, imprastraktura at kagamitan ay tiyak na maeengganyo ang mga estudyante upang magpunta sa eskwelahan, kumbaga ay madadagdagan ang kanilang interes sa pag-aaral at magkakaroon sila ng positibong pananaw tungo dito. Samahan mo pa ito ng mga "well-trained" na mga guro na siyang magbabahagi sa kanila hindi lang ng mga kaalaman ay impormasyon kundi pati na rin ng mga magagandang asal. Marapat na maging handa ang Pilipinas sa mga pagbabagong nais nitong ipatupad. Kinakailangan munang lutasin ang mga pangunahing problema dahil ito ang magiging susi at simula tungo sa tunay at matagumpay na pagbabago.
Mga Sanggunian:
http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/k-12-sa-pilipinas-ano-bakit-kailan-at-sino-ang-apektado-nito.html
http://pinoyweekly.org/new/2015/06/kung-bakit-hindi-mapapaunlad-ng-k-to-12-ang-edukasyon-sa-pilipinas/
disadvantages of K to12?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento