Disadbentahe ng K-12
Ang programang K+12 ay nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo, hindi nagging mahirap ang pagpapatupad nito. Ito rin ay naglalayong tulungan ang ating sistema na pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Dahil sa mga kadahilanang mga ito, hindi nahirapan ang pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon sa pagpapatupad nito. Bilang patunay, ang unang pangkat ng mag-aaral na magtatapos sa programang ito ay inaasahang magmamartsa sa darating na Marso taong 2018. Bagamat ang implementasyon nito ay nasa kasalukuyan na, may mga problema pa ring kinakaharap ang ating pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon ukol sa pagpapatupad nito. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Dahil ito ay naglalayong madagdagan ng 2 taon sa hayskul, kakailanganin din ng bawat paaralan...